^

Bansa

Pinas, Moderna nagkasundo sa 13 milyong doses

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas, Moderna nagkasundo sa 13 milyong doses
Kinumpirma ito mismo ng Moderna Inc. kasabay ng pagsasabi na agad na aasikasuhin ang mga kinakailangang panuntunan tulad ng pagkuha muna ng ‘emergency use authorization’ buhat sa Food and Drugs Administration.
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Moderna Inc. at gobyerno ng Pilipinas para sa pagbili ng 13 milyong doses ng bakuna ng kumpanya na nakatakdang ideliber sa bansa sa kalagitnaan ng taon.

Kinumpirma ito mismo ng Moderna Inc. kasabay ng pagsasabi na agad na aasikasuhin ang mga kinakailangang panuntunan tulad ng pagkuha muna ng ‘emergency use authorization (EUA)’ buhat sa Food and Drugs Administration (FDA).

Bukod sa 13 mil­yong doses sa pagitan ng pamahalaan, inaasahan din na magkakaroon ng hiwalay na kasunduan ang Moderna para suplayan ng pitong milyong doses ang pribadong sektor.

Kasalukuyang ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca at Sinovac vaccines pa lamang ang nabibigyan ng FDA ng EUA para magamit ang kanilang mga bakuna sa bansa kahit nasa development stage pa rin ang mga ito.

Isa pang manufacturer, ang Chinese firm na Sinopharm ang nag-aplay na para sa EUA sa FDA sa kabila na nabig­yan ito ng ‘compassio­nate permit’ makaraang ilang tauhan ng pamahalaan at militar ang unang mabakunahan nito.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

MODERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with