^

Bansa

Tourism at food business workers, sunod bakunahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananawagan ang isang advocacy group na kung maaari pagkatapos ng mga frontliners ay sunod bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business.

Ayon kay Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo, kung gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, tu­rismo ang pinakamabilis na paraan.

“Isang taon nakakulong sa bahay ang mga tao and surely they want to go somewhere else,” sabi ni Mayormita.

Aniya, kapag may pasyalan may mga kainan kaya kailangan din mabakunahan yung mga nasa food sector.

Magpapadala ng liham ang grupo sa Inter-Agency Task Force (IATF) nga­yong linggo para iparating ang kanilang kahilingan. Kapag makita ng mga tao na nabakunahan na ang mga tourist spot workers tiyak dadagsain na naman ng mga tao ang mga tou­rist destinations sa bansa lalo’t papalapit na ang summer, dagdag pa ni Mayormita.

Ang Turismo Isulong Mo ay kinabibilangan ng libu-libong manggagawa mula sa tourism industry, mula sa tourist guides hanggang sa mga bankero at mga masahista.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with