^

Bansa

Lalaki naturukan ng Sinovac sa HK, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maghintay sa magiging resulta ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa Hong Kong kaugnay ng pagkamatay ng isang lalaki dalawang araw makaraang maturukan siya ng COVID-19 vaccine.

Bagama’t hindi tinukoy ang uri ng bakunang itinurok sa pasyen­te noong Pebrero 26, tanging Sinovac vaccine lamang ang ginagamit ngayon sa Hong Kong.

“At present we have no reason to believe that this death was in any way associated with the vaccine. The Hong Kong authorities will investigate the death. If they find an association with the vaccine then they will issue an alert to WHO and share it with other countries,” ayon sa DOH.

Sa ulat, nagtungong mag-isa sa Queen Elizabeth Hospital ang 63-an-yos na lalaki na dumaranas ng hirap sa paghinga. Nabatid na may ‘bronchitis’ ang pasyente. Ginawa ng mga staff ng pagamutan ang lahat ngunit lumala ang kaniyang kundisyon hanggang sa nalagutan ng hininga dakong alas-3 ng madaling araw noong Pebrero 28.

Sa pagsusuri sa medical records ng pasyente, naturukan siya ng COVID-19 vaccine nitong Pebrero 26.  Agad itong iniulat sa Department of Health ng Hong Kong.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with