2-week summer break binawi ng DepEd
MANILA, Philippines — Binawi ng Department of Education (DepEd) ang naunang panukala na paikliin at gawing dalawang linggo na lamang ang summer break o bakasyon ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ngayong School Year 2020-2021.
Kasunod ito ng kali-wa’t kanang batikos at pagtutol ng ilang grupo, partikular na sa mga magulang, guro at mag-aaral.
Sa isang Viber message, sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, na kabilang sana ang shortened summer break sa maraming option na kanilang ikinokonsidera ngunit dahil ma-raming tutol dito ay hindi na nila itutuloy ang panukala.
“It was among the many options we were considering but noting the objections from our stakeholders, we will no longer propose a two-week break,” paliwanag ni San Antonio.
- Latest