^

Bansa

COVID-19 vaccines epektib pa rin vs South African variant – DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ng Department of Health (DOH) ang pagiging epektibo ng mga COVID-19 vaccines kontra sa bagong tuklas na South African variant sa bansa dahil sa nagbibigay pa rin umano ito ng proteksyon sa mga pasyenteng may ‘severe’ na sintomas.

Isinagawa ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire ang pahayag upang pawiin ang pangamba ng publiko na hindi sila mapo-protektahan ng mga bakuna.

Inamin ni Vergeire na tulad ng UK variant, mas mataas rin ang ‘transmissibility’ ng South African variant.

“Pero itong South African variant meron siyang isang component or isang mutation na nakakaapekto sa vaccine efficacy,” paliwanag ni Vergeire.

Tinatawag ng mga eksperto ang component ng South African variant na “immune escape” na pumipigil sa katawan ng pasyente na rumesponde o lumaban sa impeksyon.

Kaya nais ng DOH na agad na mapigil ang pagkalat ng naturang variant sa bansa habang wala pang nagaganap na ‘community transmission’.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with