^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa pumanik ng 2,067, nahawaan lagpas 580,000 na

Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa pumanik ng 2,067, nahawaan lagpas 580,000 na
Nakangiti habang "aprub na aprub" ang lalaking ito matapos makatanggap ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac sa Veterans Memorial Medical Center, ika-1 ng Marso, 2021
The STAR/Felicer Santos

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng nasa 2,067 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Martes ang Department of Health (DOH), bagay na nag-aakyat ng kabuuang bilang ng nahawaan sa Pilipinas sa 580,442.

Patuloy naman ang paglobo ng mga "active cases," o mga nagpapagaling pa sa karamdaman sa pagtalon nito sa 33,610 — mas marami uli kumpara sa datos noong Lunes.

Binawian naman ng buhay ang karagdagang 47 pasyente dahil sa COVID-19 kung kaya't 12,369 na sumatutal ang mga domestic deaths dahil sa virus. Umabot na sa 534,463 ang mga ligtas na sa panganib simula nang mag-recover mula sa nakamamatay na sakit.

Anong bago ngayong araw?

  • Kanina lang nang kumpirmahin ng DOH na anim na kaso ng mas nakahahawang COVID-19 variant na unang nadiskubre sa South Africa ang nakapasok ng Pilipinas. Pag-amin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may pattern sa mutation nito na maaaring magpababa sa pagtalab ng mga COVID-19 vaccines.
  • Pag-uusapan pa naman sa ngayon kung magpapatupad ng mga bagong travel restrictions sa Pilipinas kasunod ng pagpasok ng South African COVID-19 variant. Sa kabila niyan, hindi raw maaaring magpataw ng bagong paghihigpit sa bawat dagok, ayon kay Vergeire. 
  • Samantala, kinumpirma naman kanina ng Food and Drug Administration (FDA) na pormal nang nag-apply para sa emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine ang Chinese drug maker na Sinopharm. Matatandaang bakuna ng Sinopharm ang gustong maiturok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sarili.
  • Umabot naman sa 13 katao ang nakitaan ng "side effects" ng bakunang CoronaVac ng manufacturer na Sinovac matapos simulan ng Pilipinas ang immunization efforts nito laban sa COVID-19 kahapon. Ang naturang datos ay ngayon lang isiniwalat ng DOH.
  • Kinumpirma naman ni presidential spokesperson Harry Roque kanina na ibinasura ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang naunang proposal na bigyan ng COVID-19 vaccine agad-agad ang 50 "influencers" para mapataas ang tiwala ng publiko sa Sinovac at immunization. Aniya, naninindigan ang NITAG sa prioritization ng ilang sektor sa pagbabakuna sa ngayon.
  • Umaabot na sa 113.82 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng WHO. Sa bilang na 'yan, 2.52 milyon na ang tigok. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with