SUV vs motor: 3 parak, 2 sibilyan patay
MANILA, Philippines — Lima katao ang nasawi kabilang ang tatlong pulis habang dalawa pa ang nasugatan makaraan ang salpukan ng isang SUV at motorsiklo sa Purok 2, Brgy. Lagab, Compostela, Davao de Oro kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasawing pulis na sina Patrolman Adamson Casador, Pat. Armon Pelicano at Cpl. Aries Jay Yray habang dead-on-arrival sa ospital ang magpinsan na sina Marjon at Jason Mabinse, mga angkas ng nakabanggaang motorsiklo.
Ang mga sugatan ay nakilalang sina Cpl. Jayford Sumaliday at ang drayber ng motorsiklo na si Rodolfo Antiojo. Sa ulat kay P/Major Darwin Dura, hepe ng Compostela Police, pasado alas-7:00 ng gabi nang salpukin umano ang itim na Toyota Fortuner ng mga pulis ang motorsiklo ng magpinsang Mabinse.
Dahil dito, nahulog sa 7-talampakang lalim na canal ang naturang SUV dahilan para masawi ang tatlong pulis at maging ang magpinsan na angkas ni Antiojo.
- Latest