^

Bansa

Sinovac COVID-19 vaccine hindi inirerekomenda sa health workers, senior citizens

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sinovac COVID-19 vaccine hindi inirerekomenda sa health workers, senior citizens
Ang health workers at ang mga senior citizen ang top priority na mabakunahan, alinsunod sa inilatag na vaccination program ng pamahalaan.
Walter Bollozos/File

Dahil sa mababang efficacy rate

MANILA, Philippines — Dahil sa mas mababang efficacy rate, hindi inirerekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) na iturok sa health workers at senior citizens ang COVID-19  vaccines ng Sinovac sa kabila  naman sa pag-apruba dito para sa emergency use  authorization nito sa Pinas.

Sinabi ito ni FDA Director General Eric Domingo, kasabay sa pagkumpirma na naaprubahan na ang emergency use authorization ng Sinovac para gamitin sa Pilipinas ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.

“It has a lower efficacy rate of 50.4% when used on healthcare workers exposed to COVID-19. Therefore, it is not recommended for use in this group,” aniya sa isinagawang Laging Handa public briefing nito kahapon.

Inaasahang darating sa bansa ngayong araw (Pebrero 23) ang donasyong 600,000 vaccine doses mula sa pamahalaan ng China. Subalit maaaring ma-delay ito dahil kahapon lang sila nabigyan ng EUA. 

Ang health workers at ang mga senior citizen ang top priority na mabakunahan, alinsunod sa inilatag na vaccination program ng pamahalaan.

Paliwanag ni Domingo, hindi ‘best vaccine’ ang nasabing produkto na may mas mababang efficacy rate dahil ang medical frontliners ay exposed sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ang efficacy rate na 50.4% ay batay sa isinagawang clinical trials sa Brazil, 65% sa Indonesia at 91.25% sa Turkey.

“Ang nakita sa trials sa Brazil na binigay doon sa mga healthcare workers na nagtatrabaho sa hospital na nagte-treat ng COVID-19 ay 50.4% ang efficacy niya. Mas mabuti naman po ‘yun kaysa sa wala pero ang rekomendasyon ng ating mga expert ay hindi ito ‘yung pinakamagandang bakuna para sa kanila,” ani Domingo.

Maari umanong gamitin ang Sinovac sa mga ‘clinically healthy individuals’ na may edad 18 hanggang 59 anyos, na hindi rin dapat para sa senior citizens. Malou Escudero

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with