Turismo sa Cebu, binuksan na!
Travel restrictions niluwagan
MANILA, Philippines — Opisyal nang binuksan ng lalawigan ng Cebu ang kanilang pinto sa mga turista na nais na bumisita at hindi na kailangan ang anumang COVID-19 test.
Ito’y matapos na mag-isyu si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ng executive order na nagpapaluwag sa travel restrictions sa mga nais mag-travel sa lalawigan para sa tourism related activities.
Para makapasok sa island, kailangan lang ng isang bibisita ng valid medical certificates para sila makapasok sa lalawigan.
“Ang medical certificate ay kinakailangang inisyu ng isang reputable doktor at ito ay sa loob ng pitong araw bago ang kanilang travel dates,” nakasaad pa sa EO No. 12.
Ang isang turista ay kailangan ding makapasa sa symptoms checking o screening.
Paraan ito para maisalba ang ekonomiya na lubhang bumagsak dahil sa COVID-19 pandemic.
- Latest