^

Bansa

Robredo kay Bongbong: ‘Game over’ na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Robredo kay Bongbong: �Game over� na!
Kasabay nito, binatikos ni Robredo ang aniya’y patuloy na panlilinlang ni dating Sen. Bongbong Marcos sa mga mamamayan kahit pa mismong ang Presidential Electoral Tribunal na ang nagsabi na talo na siya sa kanyang ipinaglalabang election protest.
Krizjohn Rosales, file

MANILA, Philippines — Wala umanong duda na ‘game over’ na kay dating senador Bongbong Marcos matapos pagtibayin ng Presidential Electoral Tribunal ang pagkapanalo ni Vice Pres. Leni Robredo noong 2016 elections.

Kasabay nito, binatikos ni Robredo ang aniya’y patuloy na panlilinlang ni dating Sen. Bongbong Marcos sa mga mamamayan kahit pa mismong ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ang nagsabi na talo na siya sa kanyang ipinaglalabang election protest.

Reaksyon ito ng bise presidente, matapos ang umano’y patuloy pa ring pagpapakalat ng kampo ni Marcos na bahagi lamang ng kaniyang election protest ang dinesisyunan ng korte.

Ayon sa kampo ni Robredo, mismong Korte Suprema, na tumatayo bilang PET, ay naglabas ng updated briefer ng parehong araw upang idiin na buong protesta ni Marcos ang ibinabasura nito.

Para kay VP Robredo, makasarili ang ginagawang pagpilipit ni Marcos sa katotohanan, dahil pagyurak ito ‘di lamang sa kredibilidad ng kaniyang pagkapanalo, kundi pati sa mga institusyon ng pamahalaan.

Binigyang-diin niya na nagkaisa sa pagbasura ng election protest ang 15 justices ng Korte Suprema—taliwas sa pinapalabas ng talunang kandidato.

Ayon sa Bise Presidente, dapat siyang singilin ng mga Pilipinong kaniyang niloloko.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with