^

Bansa

Magkaka-side effects sa clinical trials, sasagutin ng WHO at drug firms

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Magkaka-side effects sa clinical trials, sasagutin ng WHO at drug firms
Sa Laging Handa online press briefing, sinabi ni Department of Science and Technology Undersecretary Rowena Cristina Guevarra na ang WHO ang sasagot sa pagpapagamot ng mga sasali sa solidarity trials na makakaranas ng side effects, samantalang ang mga gumawa naman ng bakuna ang sasagot sa mga independent clinical trials.
AFP/Fabrice Coffrini

MANILA, Philippines — Ang World Health Organization (WHO) at mga kompanya na gumagawa ng bakuna laban sa COVID-19 ang sasagot sa mga magpapaturok sa clinical trials sakaling magkaroon ng side effects o problema.

Sa Laging Handa online press briefing, sinabi ni Department of Science and Technology Undersecretary Rowena Cristina Guevarra na ang WHO ang sasagot sa pagpapagamot ng mga sasali sa solidarity trials na makakaranas ng side effects, samantalang ang mga gumawa naman ng bakuna ang sasagot sa mga independent clinical trials.

“Dito sa independent clinical trials, ang sasagot po ay iyong vaccine developer na company. Dito po sa WHO, sagot po ng WHO. Mayroon po silang global insurance na bibilhin para doon sa mga volunteers at pati rin po doon sa mga trialists natin. So hindi po gobyerno ang magbabayad niyan,” ani Guevarra.

Sinabi rin ni Guevarra na ang Janssen Pharmaceuticals ay nagsi­mula na noong nakaraang linggo ng independent clinical trials sa Pilipinas bukod pa sa Sinovac at Clover Biopharmaceuticals.

“Okay. Itong Janssen nagsimula last week ang kanilang trial, ito iyong isa sa tatlong independent clinical trials na sinasagawa sa Philippines - iyong dalawa ay iyong Sinovac at saka iyong Clover,” ani Guevarra.

Sa NCR, Region IV-A at Region VI magsasagawa ng independent clinical trials ang Jansen.

Kailangan ding iulat sa Food and Drug Admi­nistration ang mga makakaranas ng side effects.

“Kapag nagkaroon ng adverse effect, mag-submit ‘yan ng protocol. Ire-report nila ‘yan sa Food and Drug Administration ng Philippines at ia-analyze at ire-report ‘yan tapos dito sa PH ‘pag may nangyaring ganiyan ‘yung pagho-hospitalize sakaling magka-adverse effect, sagot ‘yan ng kompanyang magko-conduct ng clinical trial,” dagdag ni Guevarra.

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with