^

Bansa

Personal appearance ng mga senior sa pagkuha ng pension, ipinatigil ng IATF

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Personal appearance ng mga senior sa pagkuha ng pension, ipinatigil ng IATF
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang mga pension issuing agencies na magkaroon ng ibang paraan para hindi na lumabas ang mga senior citizens.
STAR/File

MANILA, Philippines — Simula sa Marso 1, 2021, hindi na kailangang magtungo ng personal ang mga senior citizens sa mga pension issuing agencies at mga servicing banks  para sa balidasyon at pagkuha ng kanilang pension.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang mga pension issuing agencies na magkaroon ng ibang paraan para hindi na lumabas ang mga senior citizens.

“Inatasan po ng IATF iyong mga pension issuing agencies pati na ang kanilang servicing banks at iba pang mga financial institutions na magkaroon ng alternative modes of validation para sa mga senior citizens pensioners,” ani Roque.

Kalimitang nagtutungo ng personal ang isang pensioner isang beses isang taon sa mga tanggapan na nagbibigay sa kanila ng pension o kaya ay sa servicing banks upang magsumite ng dokumento.

“Dati-rati po kasi, niri-require ang personal appearance. Sa ngayon po kinakailangan magpakita ng personal o magsumite ng mga dokumento ng personal ang mga senior citizen para patuloy nilang ma-access ang kanilang pension,” ani Roque.

Pero dahil sa COVID-19, isinaalang-alang ng IATF ang kaligtasan ng mga senior citizens.

Ayon pa kay Roque, ang mga senior citizens ay kabilang sa mga “high risk” at delikado kapag nagkaroon ng COVID-19.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with