^

Bansa

Bagyong Auring lumakas: Signal no. 1 itinaas sa maraming lugar

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagyong Auring lumakas: Signal no. 1 itinaas sa maraming lugar
Alas-10:00 ng umaga kahapon, ang sentro ni Auring ay namataan 535 kilometro ng silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 115 kilometro bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Lumakas pa ang bagyong Auring at isa na itong severe tropical storm habang patuloy ang mabagal na pagkilos  sa may Philippine sea ng silangan ng Mindanao.

Alas-10:00 ng umaga kahapon, ang sentro ni Auring ay namataan 535 kilometro ng silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa  95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa  115 kilometro bawat oras.

Bunga nito, signal number 1 sa mga lugar sa Mindanao partikular sa Davao Oriental,  eastern portion ng  Davao de Oro (Pantukan, Maragusan, New Bataan, Compostela, Monkayo), eastern portion ng Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan City, Prosperidad, Talacogon, San Francisco, Rosario, Bunawan, Santa Josefa, Trento), at Surigao del Sur

Kahapon at ngayong sabado ay mahina hanggang sa katamtaman na minsa’y malakas ang pag-ulan  ang naranasan sa Caraga, Davao Oriental, Davao de Oro, and Davao del Norte.

Ngayong Sabado, si Auring ay nasa layong  405 kilometro ng silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, sa Linggo ay nasa layong 100 kilometro ng silangan ng  Surigao City, Surigao del Norte.

 

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with