^

Bansa

‘Time-out’ uli ng medical frontliners, posible

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Time-out� uli ng medical frontliners, posible
Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, bise presidente ng Philippine College of Physicians, maaaring tumukod sa pagod ang mga health workers tulad ng nangyari noong 2020 dahil sa dami ng pasyente.
Krizjohn Rosales, file

Kung mag-MGCQ sa buong bansa

MANILA, Philippines — Maaaring maulit ang paghiling ng ‘time-out’ ng mga medical frontliners sa posibleng pagdami pa ng kaso ng COVID-19 na pinanga-ngambahan na mangyari kung ilalagay ng pamahalaan sa ‘modified general community quarantine (MGCQ)’ ang buong bansa.

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, bise presidente ng Philippine College of Physicians, maaaring tumukod sa pagod ang mga health workers tulad ng nangyari noong 2020 dahil sa dami ng pasyente.

Ipinayo niya na dapat paunti-unti ang usad ng bansa sa laban sa COVID-19 at huwag biglang aatras. Ayaw rin naman umano nila na manghingi muli ng ‘time-out’ na naging kontrobersyal noong nakaraang taon.

Nangyari ito nang luwagan ang quarantine noong Hunyo sa ‘general community quarantine (GCQ)’ at hiniling na ibalik muli ang ‘enhanced community quarantine (ECQ)’. Napagbigyan naman noon ang mga health workers nang bigyan ng dalawang linggong pahinga.

Kung hindi maiiwasan na ilagay sa MGCQ ang buong ban­sa, mahigpit ang tagubilin ni Limpin sa publiko na sumunod sa mga protocols tulad ng seryosong pagsusuot ng face masks at dapat tama, tamang pagsusuot ng face shield na kadalasan ay itinataas din sa ulo at physical distancing tuwing nasa mataong lugar.

Higit sa lahat aniya, dapat siguraduhing malakas at handa ang pangangatawan.

vuukle comment

FRONTLINER

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with