^

Bansa

Tax amnesty sa freelancers aprub sa House panel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasado na nitong Lunes sa ‘tax panel’ ng Kamara ang panukalang “Freelancers Protection Act” ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na naglalayong patawarin sa pagbayad ng buwis ang mga ‘freelancers’ o mga nagtatrabaho mula sa kanilang tahanan ngayong panahon ng pandemya, “upang madali silang ma-kabangon, mabigyan ng proteksiyon at makapagbayad sila ng kaukulang buwis sa hinaharap.”

Ayon kay Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang mga ‘freelancers’ ay maituturing na “tagapag­ligtas ng ekonomiya” at layunin ng kanyang HB 1527 na “tiyaking mabig­yan ng proteksiyon ang mga karapatang legal at mga benepisyo ang mahigit 2 milyong Pilipinong ‘freelancers’ sa bansa,

Sasaklawin ng ‘tax amnesty’ ng HB 1527 ang ‘income taxes’ para sa mga ‘freelancers’ na kumikita ng kulang sa P1 milyon sa isang taon. Magiging 2% na lamang ito ng kabuuang kita na lampas sa unang P250,000.

Pinuna ni Salceda na naging buhay na ang ‘freelancing’ para sa milyun-milyong Pilipino lalo na ang mga nawalan ng trabaho dulot ng pandemya at dahil nagiging ‘digital’ na ang ekonomiya, tiyak na lalago pa ito; at kung wala silang legal na proteksiyon, baka lumala din ang pagsasamantala  sa kanila.”

vuukle comment

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with