^

Bansa

Hand tractors ipinamahagi sa farmers sa Pangasinan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na grupo ng mga magsasaka mula sa 4th District ng Pangasinan ang tumanggap ng 18 hand tractors noong Lunes  (Peb­rero 15) bilang bahagi ng farm mechanization program ng Department of Agriculture at PhilMech.

Pinangunahan nina Presidential Adviser for Northern Luzon Secretary Raul L. Lambino, Mayor Marilyn De Guzman Lambino at Engr. Roger Calderon mula sa PhilMech ang nasabing distribusyon na ginanap sa ULOPAN Center sa Buenlag, Mangaldan.

Sinabi ni Secretary Lambino na isa sa mga prayoridad ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na mapataas ang kalidad ng sektor ng agrikultura sa buong bansa kung kaya’t isinasagawa ang pamamahagi ng mga modernong makinarya para sa mga magsasaka.

“Mapalad kayong mga magsasaka dahil mayroon tayong Presidente Duterte na nagmamalasakit na maiangat ang inyong kabuhayan, at nandiyan din na kaagapay ng ating Pangulo sina Agriculture Secretary William Dar at Senator Bong Go na tunay ang malasakit at serbisyo nila sa bayan,” ayon kay Secretary Lambino.

Sinabi ni Engr. Calderon, na siyang kumatawan kay PhilMech Director Baldwin G. Jallorina, na may mga karagdagan pang makinarya na dara-ting para sa mga magsasaka ng Pangasinan.

vuukle comment

FARMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with