^

Bansa

Election protest ni Bongbong vs Robredo, ibinasura ng SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Election protest ni Bongbong vs Robredo, ibinasura ng SC
Sinabi ni SC spokesperson Brian Hosaka na pitong mahistrado ang nag-“fully concurred” habang ang iba ay nag-“concurred” sa pagbasura sa kaso matapos ang halos limang taon nang isampa ito ni Marcos noong Hunyo 20, 2016.
BusinessWorld/File

MANILA, Philippines — Nagkakaisang ibinasura ng lahat ng 15 mahistrado ng Supreme Court (SC) ang election protest na isinampa ni dating senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo sa ginawang pagdinig kahapon.

Sinabi ni SC spokesperson Brian Hosaka na pitong mahistrado ang nag-“fully concurred” habang ang iba ay nag-“concurred” sa pagbasura sa kaso matapos ang halos limang taon nang isampa ito ni Marcos noong Hunyo 20, 2016.

Pangunahing dahilan ng pagbasura sa kaso ay dahil sa kabiguan umano ng kampo ni Marcos na maipakita ang mga detalyadong aksyon kung paano nagkaroon ng dayaan.  Wala umanong ibinigay na mga impormasyon tulad ng oras, lugar at kung paano ito nangyari.

Bukod dito, hindi rin nadagdagan ang boto ni Marcos sa ginawang mga re-counts sa tatlong pilot provinces kabilang ang Camarines Sur, Negros Oriental at Iloilo kung saan lalo pa ngang nadagdagan ang boto ni Robredo ng 15,000 na naitala sa 1,510,718 kumpara sa 204,512 na nakuha ni Marcos.

Dahil dito, hindi na pagbibigyan ang ‘third cause of action’ ni Marcos na ipawalang-bisa ang resulta ng halalan sa tatlong probinsya sa Mindanao na minanipula rin umano ang resulta.

Hindi naman tiyak ni Hosaka kung maaari pang iapela ng kampo ni Marcos ang desisyon sa kabila na lahat ng mahistrado ay bumoto laban sa protesta.

vuukle comment

SC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with