^

Bansa

DA aangkat ng 404, 210 metric tons ng baboy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinumite na ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon para itaas sa 404,210 metriko tonelada ang volume o dami  ng aangkating baboy sa ibang bansa para sa taong kasalukuyan.

Sa pinagsamang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food at Trade and Industry, kinumpirma ni DA Secretary William Dar, naisumite na ng kanilang tanggapan nitong Lunes ng gabi ang isang resolusyon para sa importasyon ng karne ng baboy.

Ito’y sa gitna na rin ng kakulangan sa supply ng karne ng baboy sa mga palengke kung saan nagkaroon ng price ceiling sa presyo nito matapos umabot sa P400 bawat kilo.

Ayon kay Dar, ang 404,210 metriko tonelada ay ang Minimum Access Volume (MAV)  na i-import na karneng baboy o gagawing triple  mula sa kasalukuyang  54,000 metriko tonelada.

Sa ilalim ng Republic Act 8178, may kapangyarihan ang Pangulo na magpanukala sa Kongreso ng rebisyon, modipikasyon o adjustment sa MAV tuwing may kakulangan o abnormal na pagtaas sa presyo ng mga produktong agrikultura sa bansa.

Binigyang diin ni Dar na ang importasyon  ang tugon sa kakulangan sa supply at mataas na presyo ng karneng baboy sa pamilihan.

Sinabi ng Kalihim na lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay para ilarga na ang nasabing importasyon ng karne ng baboy sa mas mababang taripa.

vuukle comment

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with