^

Bansa

Higit 19K krimen na sangkot ang tandem naitala - PNP

Gemma Amargo - Pilipino Star Ngayon
Higit 19K krimen na sangkot ang tandem naitala - PNP
Base pa sa rekord mula Enero 1 hanggang Pebrero ngayong taon ay umabot sa 50 indibidwal ang napapatay ng riding-in-tandem.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa 19,086 na krimen na kinasasangkutan ng ri­ding-in-tandem ang naitala  simula noong 2016 ang  hindi pa nareresolba.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Debold Sinas sa pagdinig ng senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon kaugnay sa implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act na naisabatas noong 2019.

Layon ng panukala na lakihan at gawing color co­ded number plates ng mga motorsiklo upang madaling malaman at makita ito na kadalasang ginagamit sa mga krimen.

Ayon kay Sinas, sa nasabing bilang ay naresolba nila ang 9,040 o 48.87 porsiyento lamang  at ang iba ay nanatiling under investigation.

Base pa sa rekord mula Enero 1 hanggang Pebrero ngayong taon ay umabot sa 50 indibidwal ang napapatay ng riding-in-tandem.

Iginiit naman ni Sinas na aktibo na ang kanilang tactical motorcycle riding units (TMRUs) na binubuo ng mga naka-motorsiklo na nagpapatrolya upang kaagad na masabat ang mga riding-in-tandem suspek.

Sa ngayon ay mayroon umano silang 2,000 na mga pulis na na-train sa motorcydle riding ng Highway Patrol Group para maiwasan pa ang nasabing mga insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with