^

Bansa

WHO bigo na matukoy ang animal source ng COVID-19 sa China

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
WHO bigo na matukoy ang animal source ng COVID-19 sa China
“The reservois hosts remain to be identified,” ayon kay Liang Wannian, lider ng China team ng WHO.
AFP/Fabrice Coffrini

MANILA, Philippines — Bigo ang mga siyentista ng World Health Organization (WHO) na nagtungo sa Wuhan, China na matukoy ang uri ng hayop na sinasabing pinagmulan ng coronavirus 2019.

“The reservois hosts remain to be identified,” ayon kay Liang Wannian, lider ng China team ng WHO. Ito ay sa kabila ng mga ulat na nagmula ang virus sa paniki na ibinebenta sa mga pamilihan sa Wuhan at naisalin sa tao.

Lumalabas din sa kanilang pag-aaral na maaaring maibiyahe ng mala-yuan ang virus sa pamamagitan ng ‘cold chain products’ kaya posible na na-import mula sa China ang COVID-19.

Sa kabila naman na sinasabi na nag-umpisa ang virus noong 2019, wala naman umanong mga ebidensya na kumalat ang virus sa Wuhan bago sumapit ang Disyembre 2019.

Namalagi sa China ang mga eksperto ng isang buwan, dalawang linggo dito ay ginugol sa quarantine bago sumabak sa pananaliksik. Iniulat din na nagtagal lamang ang mga eksperto ng isang oras sa palengke sa Wuhan na sinasabing pinag-ugatan ng virus.

Mas malaki ang panahon na ginugol umano ng mga mananaliksik sa Wuhan virology institute kausap ang mga siyentista nito.  Una nang nagpalabas ng teorya si dating United States President Donald Trump na ini-leak sa naturang laboratoryo ang source ng pandemic.

vuukle comment

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with