AFP magpapadala ng barko sa WPS
MANILA, Philippines — Magpapadala ng mas maraming naval asset ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea para proteksyunan ang mga mangingisda sa bagong batas ng Tsina.
Ayon kay AFP Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, nakasaad sa Coast Guard law ng Tsina ang ‘go signal’ na pagbaril sa sinumang dayuhan na makikitang papasok sa pinag-aagawang katubigan.
“Ang gagawin natin as part of our mandate to secure the people, i-increase po natin ang ating visibility through the deployment of more naval assets,” ani Sobejana.
Gayunman, nilinaw ni Sobejana na hindi ito indikasyon ng anumang away laban sa China at sa halip ay kasiguraduhan na magiging ligtas ang mga Pilipino.
Aminado si Sobejana na naalarma sila sa pahayag ng Chinese Coast Guard na hindi sasantuhin ang sinumang papasok sa kanilang teritoryo.
- Latest