^

Bansa

Unang batch ng OFWs na nabiktima sa Syria napauwi na sa bansa -- Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na Filipino migrants na nabiktima ng human trafficking sa Syria ang ligtas nang nakauwi sa bansa dahil na rin sa suporta at tulong nina Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Christopher “Bong” Go, Department of Foreign Affairs at iba pang concerned government agencies.

“Nagpapasalamat po kami kay Pangulong Duterte at Senator Bong Go dahil napakalaki ng tulong ng ibinigay nila para sa pagsisimulang muli namin ng buhay sa bansa,” sabi ng isang migrant workers na hindi muna binanggit ang pangalan.

“Maliban po sa tulong, naramdaman naming hindi kami iniwan ng pamahalaan, lalo na nina Pa­ngulong Duterte at Senator Go,” ang dagdag niya.

Bukod sa tulong mula sa pamahalaan, nagbigay din ang tanggapan ni Sen. Go ng iba pang ayuda sa mga nasabing OFWs at sa kani-kanilang pamilya.

Sinabi ni Go na nakikipag-ugnayan na ang Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT sa mga biktima para sa pagsasampa ng kaso sa mga taong nasa likod ng masama nilang sinapit.

Matatandaang nabahala si Go sa ulat ng pagpupuslit ng mga Pinay at puwersahang dinadala sa Syria para lamang abusuhin ng kanilang nagiging amo.

Kaya naman sinabi ni Go na napakahalagang maipasa ang inihain niya sa Senado na Department of Overseas Filipinos (DOFil) na siyang magpoprotekta sa kapakanan ng OFWs.

vuukle comment

SYRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with