^

Bansa

OSY lumobo dahil sa COVID-19 pandemic

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
OSY lumobo dahil sa COVID-19 pandemic
Ayon kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Youth, seryoso ang bilang ng pagtaas ng OSY na maaaring mauwi sa mas malaking problema kapag hindi agad ito naagapan ng gobyerno.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Pinatututukan ni Sen. Sonny Angara sa gobyerno ang nakakabahalang pagtaas ng bilang ng out of school youth (OSY) sa bansa na dahil pa rin sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate Committee on Youth, seryoso ang bilang ng pagtaas ng OSY na maaaring mauwi sa mas malaking problema kapag hindi agad ito naagapan ng gobyerno.

Sa datos ng Depart­ment of Education (DepEd), halos umabot sa apat na milyong estud­yante ang hindi nakapag-enrol ngayong school year at sa nasabing bilang, 2.75 milyon ang hindi nag-enrol sa pribadong mga paaralan.

Sa pinakahuling datos ng DepEd noong Agosto 11,2020 umabot sa 23 milyon ang naka-enrol sa pampubliko at pribadong eskwelahan na mas mababa mula sa 27.7M enrollees noong 2019.

Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang dahilan ng OSYs sa hindi pagpasok sa eskwelahan ay may kaugnayan sa pag-aasawa o usapin sa pamilya, kakulangan ng interes at mahal na halaga ng edukasyon o kakulangan sa pinansyal.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with