^

Bansa

Child car seat law tinabla ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Child car seat law tinabla ni Duterte
Nakasaad sa batas na kailangang gumamit ng child restraint systems (CRS) o car seats ang mga bata na 12 taong gulang pababa. Bawal na rin silang maupo sa harapan ng sasakyan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pabor na tulu­yang ipatupad ang Child Safety in Motor Vehicles Act na kilala rin sa tawag na child car seats law sa gitna ng pandemya, ayon kay Sen. Bong Go.

Sinabi ni Go na nakausap niya si Duterte tungkol sa isyu kaya niya nalaman na gusto rin ng Pangulo na ipagpaliban ang pagpapatupad ng nabanggit na batas.“Nakausap ko si Pangulong Duterte, siya po mismo ayaw rin niyang i-implement ito,” ani Go.

Nakasaad sa batas na kailangang gumamit ng child restraint systems (CRS) o car seats ang mga bata na 12 taong gulang pababa. Bawal na rin silang maupo sa harapan ng sasakyan.

Ayon kay Go, naniniwala ang Pangulo na hindi napapanahon ang pagpapatupad ng batas.

Matatandaan na nilagdaan ng Pangulo ang nasabing batas noong Pebrero 2020.

Ipinagpaliban din ng Land Transportation Office (LTO) ang lubusang pagpapatupad ng batas at pagtutuunan muna ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol dito sa susunod na anim na buwan.

Sa inilabas na implementing rules and regulations (IRR), ang mga dri­vers na mapapatunayang lumabag ay papatawan ng P1,000 multa sa unang pag­labag; P2,000 sa ikalawa at P3,000 at isang taong suspensiyon ng lisensiya sa ikatlo at mga susunod na paglabag.

Papalusutin naman o exempted kung may medical emergencies at nanganganib ang buhay ng sakay na bata.

Ipinahiwatig din ni Go na maaaring amiyendahan ang batas na isang pahirap sa mga mamamayan kung tuluyang ipatutupad.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with