^

Bansa

President Duterte pinuri sa ‘no disconnection policy’ sa electricity consumers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa power distribution firms na huwag munang mamutol ng kur­yente sa mga tinatawag na lifeline consumers o low-income households na hindi pa makabayad.

Ang direktiba ng Pangulo ay kasunod ng rekomendasyon ng Department of Energy.

“Nagpapasalamat po tayo sa gobyerno, lalo na sa DOE at kay Pangulong Duterte, sa direktiba nito na big­yan ng palugit ang mga lifeliners o low income consumers sa kanilang bill sa kuryente, lalo na sa panahong ito ng pandemya,” ani Go.

“Malaking bagay po ito sa kanila, lalo na sa mga kababayan natin na nawalan ng trabaho nitong pandemya at patuloy pa pong naghahanap ng bagong pagkakakitaan. Bigyan po muna natin sila ng pagkakataon upang bumangon sa naranasang paghihirap dulot ng COVID-19,” dagdag ng senador.

Samantala, sinabi ni Manila Electric Co. (Meralco) spokesperson Joe Zaldarriaga na susunod ang kompanya sa direktiba ng Pangulo. Hinihintay na lamang nila ang specific guidelines mula sa  DOE. Tiniyak din niya na patuloy silang tutulong para maasistehan ang consumers sa kanilang billing issues.

Nauna rito, hiniling ni Go sa Meralco na pag-aralan ang posibilidad na i-extend ang kanilang no-disconnection policy para sa underprivileged consumers.

vuukle comment

DOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with