^

Bansa

Negatibong datos vs anti-drug war ng PNP, laman ng DOJ report

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na may natagpuang mga negatibong detalye laban sa Philippine National Police (PNP) na laman ng isinagawa nilang imbestigasyon sa anti-drug war ng pamahalaan.

Sinabi ni Guevarra na nitong Disyembre pa lamang ay isinumite na nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang inisyal na resulta ng kanilang imbestigasyon sa 5,000 nasawi sa drug war.

Sakop nito ang mga lugar na may pinakamaraming napaslang tulad ng Central Luzon, Region 4A at iba pang malalaking lungsod.

“Andoon tayo sa stage na iyon ngayon. We provided a copy of the report where we made certain findings, not so flattering, against certain police enforcement officers involved sa drug operations,” ayon kay Guevarra.

Iginiit niya na hindi naman itinatago ang resulta ng imbestigasyon sa publiko at ilalabas din nila sa tamang panahon.

Binigyan naman ng DOJ ng sapat na panahon ang PNP para magkomento sa kanilang findings habang kinukumpleto pa rin nila sa kanilang parte ang buong ulat. Sasakupin ng mga susunod nilang ulat ang imbestigasyon naman sa Visayas at sa Mindanao.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with