^

Bansa

‘Face-to-face classes paghandaan na’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Face-to-face classes paghandaan na�
Ayon kay Sen. Sherwin Gatcha-lian, chairman ng Senate Committee on Education, dapat ay may plano na ang gobyerno sakaling muling magkaroon ng face-to-face classes para maiwasan ang paglala ng “learning classes”.
Philstar.com/Stock

MANILA, Philippines — Dapat paghandaan na ng admi­nistrasyong Duterte ang ligtas na pagbubukas ng klase sa mga eskwelahan sa gitna ng inaasahang pagdating sa bansa ng mga bakuna kontra coronavirus.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatcha-lian, chairman ng Senate Committee on Education, dapat ay may plano na ang gobyerno sakaling muling magkaroon ng face-to-face classes para maiwasan ang paglala ng “learning classes”.

“Now that vaccination in the country against the COVID-19 is nearing, we should also give priority for the safe return of students in schools where they would be guided well by their teachers and can interact with classmates,” ayon kay Gatchalian.

Ilang grupo ng mga negosyante ang nagsusulong din ng reporma sa edukasyon kasabay ng panawagan na magkaroon ng physical classes.

Nauna nang inaprubahan ang pilot run ng face-to-face classes bago matapos ang 2020 kung saan halos 1,000 eskwelahan ang umano’y lalahok dito subalit hindi itinuloy.

Isinama rin ng DepEd sa kanilang proposal sa Gabinete noong Disyembre ang mga required health protocols sa mga paaralan sakaling payagan na ang muling pagbabalik ng physical learning.

Kabilang rito ang regular na pag-disinfect sa mga pasilidad, pag-monitor ng symptoms at upgrading ng clinics para sa mas maayos na health services sa mga estudyante at faculty.

Ili-limit din ang bilang ng mga mag-aaral sa 15-20 at by schedule ang pagpasok.

vuukle comment

COVID-19

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with