^

Bansa

Presyo ng mobile data mas mura pa rin sa Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Minadali ng pandemya ang pagyakap ng bansa sa tinatawag na ‘digital transition’. Para mapigil ang pagkalat ng virus, nagpatupad ng mga lockdown na nag­lilimita sa paggalaw kaya marami ang gumamit ng teknolohiya para makapag-aral, makapagtrabaho, at magampanan pa rin ang pang-araw-araw na gawain.

Sa briefing ng DICT noong nakaraang Enero 21 sa estado ng internet sa bansa, sinabi ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque na hinahangad ng bansa na mapantayan ang Vietnam at Thailand, mga bansang maganda ang kalidad ng internet.

Ayon sa Digital 2020 report ng social media analytics firm WeAreSocial, mas marami ang internet users sa Pilipinas - nasa 73 milyon kumpara sa 68 milyon ng Vietnam at 52 milyon ng Thailand.

Kung ikukumpara ang mga popular na offer ng mga market leader sa Asia-Pacific, mula Hulyo hanggang Setyembre 2020, nasa USD 3.32 ang ginagastos ng mga Pinoy kada buwan para sa tawag, text at mobile data. Mas malaki ang inilalaan ng mga Pinoy para rito, kung ikukumpara sa mga taga-Vietnam na USD 1.4.

Ang data ang ginagamit para makakonek sa internet at makapag-Facebook, YouTube at iba pa.

Lumalabas sa datos na mas mura pa rin ang internet sa Pilipinas kung ikukumpara sa Thailand. Ang halaga ng 1 GB mobile data para sa prepaid sa bansa ay nasa USD 0.24 habang USD 0.63 sa Thailand.

Dahil mas marami ang internet users, mahalaga ang pagkakaroon ng mga cell site para mapabuti ang koneksiyon.

Kung mas marami ang tore o cell site, lalaki ang ‘bandwidth’ at lalawak ang coverage. Ibig sabihin, gaganda at bibilis ang koneksiyon at internet experience.

vuukle comment

DICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with