^

Bansa

Mga dating rebelde inayudahan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 118 dating rebelde at kani-kanilang pamilya sa Bobon, Northern Samar ang binigyan ng ayuda ng tanggapan ni Sen. Go sa isinagawang relief activity sa Brgy. Calantiao Gym.

Sa kanyang video message, tiniyak ni Go sa mga benepisyaryo na siya at si Pangulong Rodrigo Duterte ay palaging nakahandang tumulong sa mga nais magsimula ng bagong buhay sa tulong ng gobyerno.

Umapela si Go ng pagkakaisa at pagkakasunod sa lahat ng Filipino, anuman ang political na paniniwala, lalo ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi niya sa mga da­ting rebelde na para sa kanilang health concerns at medical assistance needs, pumunta lamang sila sa Malasakit Center sa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman.

Nangako rin ang senador na nakahanda siya at ang administrasyon na tulungan ang nais magkaroon ng bagong buhay para maging produktibong kasapi ng ating lipunan.

“Minsan lang tayo daraan sa mundong ito. Kung ano man kabutihan ang pwede nating gawin sa ating kapwa, gawin na natin ngayon. Basta kami ni Presidente Duterte, patuloy kami na magseserbisyo sa inyo. Ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” ayon pa kay Go.

 

vuukle comment

NORTHERN SAMAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with