^

Bansa

5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na
Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na tatanggap ang Pilipinas ng inisyal na 117,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech sa kalagitnaan ng Pebrero para sa unang quarter. Nakatakda pang kumpirmahin ang delivery ng kumpanya para sa mga suplay sa mga susunod na quarters ng taon.
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.

Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na tatanggap ang Pilipinas ng inisyal na 117,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech sa kalagitnaan ng Pebrero para sa unang quarter. Nakatakda pang kumpirmahin ang delivery ng kumpanya para sa mga suplay sa mga susunod na quarters ng taon.

Tatanggap din ang Pilipinas ng mula 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses ng AstraZeneca vaccine para sa unang dalawang quarter ng taon.

Nilinaw ni Galvez na ang bilang ng bakunang inilaan sa Pilipinas ay “indicative” at magdi-depende pa sa global supply nito.

Una nang binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca para ligtas na magamit na ang kanilang mga bakuna sa oras na may suplay na para sa Pilipinas.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

PFIZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with