^

Bansa

Bong Go: Mga Pinay ibinebenta, ginagahasa sa Syria; DOFil muling iginiit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Galit na galit si Senator Christopher “Bong” Go sa ulat na pagpupuslit sa mga Filipina sa Syria para lamang ibenta at pagparausan ng kanilang mga nagiging amo.

Dahil dito, muling iginiit ni Sen. Go ang kanyang panukala na lilikha sa Department of Overseas Filipinos (DOFil) na siyang magbibibigay proteksyon sa OFWs.

“Bagong bayani kung ituring natin sila na halos 10 porsiyento ng ating populasyon. Sana naman ay suklian natin nang mas maa­yos at mas mabilis na serbisyo ang kanilang sakripisyo para sa kanilang pamilya at sa bayan,” pahayag ni Go.

May lumabas na ulat sa Washington Post hinggil sa isang Filipina na magpupunta sana sa Dubai para magtrabaho pero nakarating sa war-ra­vaged Syria at ibinenta.

Kaya nang makara­ting sa kanya ang ba­litang ito at sa iba pang Pinay na posibleng dumaranas ng mapait na karanasan, agad nakipag-ugnayan si Go sa concerned government agencies upang mailigtas ang ating mga kababayan na biktima ng human trafficking Syria. 

Matatandaan na upang mapalakas ang proteksyon sa overseas Filipinos, ipinasa ni Sen. Go ang Senate Bill No. 1949, mas kilala bilang DOFil Act of 2020. Ang nasabing bill na magtatatag sa DOFil ay isa sa priority measures ng administration.

“Kapag naitatag na po ang DOFil, maaasahan niyo po na mas mabilis mapo-prosecute at maipakukulong ang lahat ng mga sangkot sa trafficking in persons dito sa Pilipinas,” ayon sa senador.

 

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with