^

Bansa

Pagbabakuna sa Pebrero dapat mabilis – Duque

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna sa Pebrero dapat mabilis � Duque
Sabi ni Health Secretary Francisco Duque III , ang pagkakaroon lamang ng ‘shelf life’ ng mga bakuna ng hanggang anim na buwan at ang pagiging sensitibo nito sa temperatura kaya maaaring mawalan na ito ng bisa kung babagal pa ang proseso sa pagpapabakuna.
AFP/Siphiwe Sibeko/Pool

Mawawalan ng bisa kung patatagalin

MANILA, Philippines — Nais ni Health Secretary Francisco Duque III na mapabilis ang proseso ng vaccination program ng pamahalaan na inaasahan ngayong Pebrero dahil sa pangamba na mawalan ito ng bisa kung patatagalin ito.

Sabi ni Duque, ang pagkakaroon lamang ng ‘shelf life’ ng mga bakuna ng hanggang anim na buwan at ang pagiging sensitibo nito sa temperatura kaya maaaring mawalan na ito ng bisa kung babagal pa ang proseso sa pagpapabakuna.

Maaari umanong uma­­bot sa P85 bilyong pondo para sa COVID-19 vaccine ang masasayang kung mawawalan ang mga ito ng bisa dahil sa maling pamamahala sa ‘storage’ at pagbagal sa distribusyon.

Pangunahing alala­hanin ang ‘shipment storage’ pagdating ng bakuna, pagkakaroon ng national at regional hubs, mga bodega at kung paano ibibiyahe ang mga ito.

Una nang sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na higit isang milyong doses ng bakuna ang darating sa bansa sa Pebrero na hudyat ng pag-uumpisa ng vaccination program. Manggagaling ang mga bakuna sa mga manufacturers na AstraZeneca, Pfizer at Sinovac.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with