^

Bansa

AstraZeneca mabibigyan na ng EUA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
AstraZeneca mabibigyan na ng EUA
Bukod sa AstraZeneca, sinabi ni Domingo ang Pilipinas ay nakapag-order na ng 30M doses mula sa Serum Institute of India at 25M doses mula sa Sinovac ng China.
AFP/Paul Ellis

MANILA, Philippines — Isasapinal na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng AstraZenecca sa emergency use authorization (EUA) para sa paggamit ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Ang nasabing brand na mayorya sa napiling bilhin ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nabatid na may “very favorable” evaluation mula sa mga eksperto kaya’t inaasa-hang mapapabilis na ang pagbibigay ng EUA ngayong linggo.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nasa 17 milyon doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines mula US sa tulong ng pribadong sektor at local government units ang darating sa bansa ngayong Hunyo.

Bukod sa AstraZeneca, sinabi ni Domingo ang Pilipinas ay nakapag-order na ng 30M doses mula sa Serum Institute of India at 25M doses mula sa Sinovac ng China.

Kabilang naman sa nasa proseso na ng eva­lua­tion ng mga eksperto ang Sinovac at Sputnik V ng Russia.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with