^

Bansa

Palasyo: COVID-19 vaccination ni Duterte bawal ipakita, 'sa puwet tuturukan'

Philstar.com

MANILA, Philippines — Desidido na raw si Pangulong Rodrigo Duterte na itago sa madla ang pagpapabakuna niya laban sa coronavirus disease (COVID-19) — kahit ilang sektor na ang nananawagan para rito sa ngalan ng "vaccine confidence."

Ito ang paliwanag ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes, matapos ipangako ng Department of Health (DOH) na pakikiusapan nila ang presidenteng isapubliko ito para tumaas ang tiwala sa COVID-19 vaccines.

"I think so. He has said so," sagot ni Roque sa tanong ng reporters kanina.

"Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak so hindi pupwedeng [in] public."

Takot ng mga Pinoy sa bakuna

Mainit ngayon ang usapin kung magpapabakuna ba sa harap ng publiko si Duterte gayong napakaraming Pilipino ang ayaw magpaturok dahil sa sari-saring takot sa vaccines.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Nobyembre 2020, lumalabas kasi na halos dalawa sa limang Pinoy ang ayaw magpaturok ng bakuna kontra-COVID-19 pagdating nito ng bansa.

Mas marami naman ang takot magpabakuna laban sa nakamamatay na sakit sa survey ng Pulse Asia, na nagsasabing 32% lang ang pabor maineksyunan kontra sa 47% na ayaw.

Ilang bakuna na gaya ng gawa ng Pfizer ang itinuturong may side-effects, gaya na lang ng pagkamatay diumano ng ilang matatanda sa bansang Norway matapos maineksyunan. Sa kabila niyan, wala raw kuneksyon dito ang dahilan ng mga pagkamatay, ayon sa mga opisyal.

Ilang researchers naman mula sa Brazil ang nagsasabing 50.4% lang ang efficacy rate ng bakuna mula sa Chinese manufacturer na Sinovac.

"Ito po ang medyo may problema po tayo na talagang dapat po pagtulungan po natin. Alam po namin na malaki po ang maitutulong ng ating Mayor, Presidente, Mr. President, kasi po talagang bumababa po ‘yung willingness at saka ‘yung uptake ng ating mga kababayan," wika ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. kagabi.

Atras-abante sa pagpapaturok

Disyembre 2020 nang sabihin ng Malacañang na handang-handa na si Digong mauna sa pila ng ng COVID-19 vaccine oras na payagan ng Food and Drug Administration.

Sa kabila niyan, biglang kabig naman ang pangulo nitong Enero 2021 nang sabihin niyang huli na sila ng Gabinete magpapaturok.

"Pagdating ng [bakuna], kung milyon ‘yan, magsabay-sabay na kayo lahat, at saka huli na kami. Kung may maiwan, para sa amin: kay [Sen. Bong Go], kay [Defense Secretary Delfin Lorenzana]... Kung may maiwan, eh 'di para sa atin. Unahin natin sila," ani Digong sa kanyang January 13 speech.

Ika-19 ng Enero naman nang sabihin ni Roque na bakuna mula sa Chinese manufacturer na Sinovac ang ipapaturok ni Duterte — pero hindi niya ito ipakikita sa publiko.

"His answer was 'no problem'," wika ni Roque. "Siya nga raw po ay talagang kailangan magkaroon ng bakuna pero ang sabi niya, hindi na kinakailangan ito ipakita sa publiko."

Una nang kumasa si Bise Presidente Leni Robredo sa hamong magpaturok sa publiko para mapataas ang tiwala ng madla sa mga gamot. Pumayag na rin ang DOH na gawin din ito.

Ilang world leaders na gaya ni Indonesian President Joko Widodo ang unang nagpaturok ng anti-COVID-19 vaccine sa madla, habang tinitiyak na libre itong ibibigay sa lahat ng kanilang mamamayan.

Sa huling ulat ng gobyerno, kahapon, umabot na sa 514,996 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 10,292 na ang namamatay. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with