^

Bansa

Mga taga-Benguet pinag-iingat sa UK COVID-19 variant

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Benguet-Caretaker Rep. Eric Yap ang kanyang mga constituents doon na mag-doble-ingat ngayon dahil umabot na sa katabing lalawigan nila, ang Mountain Province, ang UK variant ng COVID-19.

Batay sa report ng Department of Health (DOH) noong Biyernes, 12 sa 17 UK COVID variant affected individuals na naitala sa bansa ay taga-Mountain Province.

Ayon kay Cong. Yap, sa panayam sa radyo nitong weekend, “Puspusan ang pagmomonitor ng DOH at local health offices sa virus sa lugar pero kailangan doble-ingat ang mga kababayan natin doon.”

Tiniyak naman ng mambabatas na naka-monitor ang kanyang tanggapan at handang magbigay ng agarang ayuda kung makapasok ang nasabing UK COVID variant sa Benguet.

“Kakausapin ko ang mga local leaders para paalalahanan at imonitor ang mga kababayan nila at kung ano ang dapat gawin kung tumama na sa Benguet ang UK COVID variant,” ani Yap.

Dagdag pa niya, “Handa rin pong tumulong sa pagpapagamot ang aking tanggapan sa mga taga-Benguet sakaling mahawahan ng UK COVID va­riant ang mga ito.”

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with