^

Bansa

SIM card registration pangontra vs cybersex trafficking

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Win Gatchalian ang mandatory registration ng mga prepaid SIM cards bilang posibleng paraan ng pagsugpo sa online sexual exploitation of children (OSEC).

Ayon kay Gatchalian, ang kawalan ng batas sa SIM card registration ay isa mga hadlang sa mga otoridad sa pagtugis sa mga child cybersex offenders na ginagamit ang teknolohiya upang hindi sila mahuli.

Sa isang pag-aaral ng United Nations Office on Drug and Crime noong 2014, ginagamit ng mga child cybersex offenders ang mga disposable na prepaid SIM cards upang hindi sila matunton.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 176 o ang Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act, ang mga gumagamit ng mga prepaid SIM cards ay kailangan nang magsumite ng valid ID at larawan at lumagda sa isang control-numbered registration form mula sa service provider ng SIM card.

Magbibigay din ng kopya ng naturang registration form sa National Telecommunications Commission (NTC). Unang inihain ni Gatchalian ang panukala noong Hunyo 2016 at muling inihain noong Hulyo 2019.

Nauna rito, nagbabala si Gatchalian sa mga ulat ng mga mag-aaral na nagbebenta ng mga malalaswang lawaran at mga video upang makalikom ng pantustos sa distance learning.

vuukle comment

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with