^

Bansa

Bagong hawa ng COVID-19 sa bansa pinakamalaking itinalon sa nakalipas na 75 araw

James Relativo - Philstar.com
Bagong hawa ng COVID-19 sa bansa pinakamalaking itinalon sa nakalipas na 75 araw
Naglalakad sa tabi ng isang roadblock ang mga residenteng ito sa Maynila habang nakasuot ng face masks, ika-25 ng Marso, 2020
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Pumalo patungong 509,887 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas ngayong Biyernes sa muling paglobo ng arawang kaso sa 2,178.

Nakikipagbuno pa rin ngayon sa sakit ang nasa 32,031 sa bansa, o 'yung mga "aktibong kasong" 'di pa gumagaling o namamatay.

Nasa 20 naman ang bagong ulat na binawian ng buhay kung kaya'y lumobo na sa 10,136 ang total domestic deaths. Sa kabila niyan, higit na marami ang ligtas na sa panganib sa 467,720.

Lugar na may pinakamararaming fresh cases

  • Quezon City, 148 (General Community Quarantine)
  • Bulacan, 88 (Modified General Community Quarantine)
  • Cebu City, 80 (MGCQ)
  • Davao City, 70 (GCQ)
  • Mountain Province, 75 (MGCQ)

Anong bago ngayong araw?

Sa loob ng 75 araw, ito ang pinakamataas na pagtalon ng reported cases sa iisang araw lamang. Huli itong mas mataas diyan noong ika-8 ng Nobyembre, 2020 kung saan 2,442 ang isinipa ng infections.

Ito na rin ang pinakamataas na bilang ng "active cases" sa nakalipas na 62 araw mula pa noong ika-21 ng Nobyembre.

Ngayong umaga lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na papayagan nang lumabas ng kani-kanilang kabahayan ang mga batang edad 10-14 taong-gulang sa mga MGCQ areas simula Pebrero ngayong niluluwagan na ang age-defined quarantine restrictions. Hinihikayat din daw nila ang ilang GCQ ares na sumunod din.

Bukod pa riyan, nakikipagtulungan na ang Department of Health (DOH) sa Department of Justice (DOJ,) — sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) — para matunton ang nalalabing dalawang close contact ng unang kaso United Kingdom variant ng COVID-19 sa Pilipinas na hindi pa rin naaabot ng gobyerno. Ang UK variant ay sinasabing mas nakakahawa ng hanggang 70%.

Umaabot na sa 95.61 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, halos 2.06 milyon na ang binawian ng buhay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with