^

Bansa

NBI hahagilapin 2 nawawalang close contacts ng Pinoy na may 'new COVID variant'

James Relativo - Philstar.com
NBI hahagilapin 2 nawawalang close contacts ng Pinoy na may 'new COVID variant'
Naglalakad sa Jewel Changi Airport, Singapore ang biyaherong ito habang nakasuot ng face mask laban sa COVID-19, ika-27 ng Pebrero, 2020
AFP/Roslan Rahman, File

MANILA, Philippines — Kukunin na ng Department of Health (DOH) ang tulong ng Department of Justice (DOH) sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang mga nalalabing nakasalamuha ng unang nahawaan ng United Kingdom variant ng coronavirus disease (COVID-19).

"We have coordinated with the [DOJ] and we will be providing these two names to the NBI... today," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes.

"Para lang mahanap natin at mas madali kasi silang makakahanap because of their database."

Basahin: Philippines confirms first case of new COVID-19 variant

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang kumalat ang isang memorandum ng Philippine National Police-Calabarzon na nag-uutos sa kanilang galugarin ang probinsya para sa mga nawawalang contacts, na noo'y apat pa.

Una nang sinabi ng DOH na ilan sa mga nakasalamuha ng 29-anyos na Pinoy mula United Arab Emirates (UAE) ang hindi pa rin sumasagot sa tawag ng mga otoridad kahit na hanggang 70% mas nakakahawa ang UK variant ng COVID-19.

Paglabag sa Republic Act 11332, o batas sa notifiable disease, ang hindi pakikipag-ugnayan sa gobyerno habang nasa gitna ng isang public health emergency ang Pilipinas.

Sa kabila nito, kinumpirma ni Vergeire na hindi pa naman nila iniisip magkaso ngunit ita-tap lamang ang NBI para mapabilis ang tracing sa dalawang indibidwal.

Basahin: 'Ayaw sumagot': Nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant inii-snob tawag ng DOH

May kinalaman: Kulong, multa posible sa nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant

"So titignan natin, baka mahanap na natin through this kind of process," wika pa ni Vergeire sa mga reporters.

Una nang lumabas sa mga balitang 159 lahat-lahat ang pasahero ng Emirates Flight EK 332 ang sinakyan ng 29-anyos na index case ng UK variant sa Pilipinas.

Labas diyan, umabot sa 213 ang naging "close contact" niya, kung saan 15 na ang nagpopositibo sa COVID-19. Kasama riyan ang nobya at nanay ng 29-anyos na index case.

Walo sa EK 332 co-passengers ang tinamaan ng virus, anim na close contacts ng index case, isang kabahay at isang healthcare worker.

Nagpapatupad pa rin ng tral restrictions sa mahigit 35 bansa ang Pilipinas dahil na rin sa banta ng UK, South African at iba pang mas nakahahawang COVID-19 variants. Epektibo ito hanggang ika-31 ng Enero, 2021.

Umabot na sa 507,717 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa ulat ng gobyerno nitong Huwebes. Sa bilang na 'yan, yumao na ang 10,116 pasyente.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF JUSTICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NOVEL CORONAVIRUS

UNITED ARAB EMIRATES

UNITED KINGDOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with