^

Bansa

ALAMIN: Mga probinsyang hataw sa kaso ng COVID-19 matapos ang holidays

Philstar.com
ALAMIN: Mga probinsyang hataw sa kaso ng COVID-19 matapos ang holidays
File photo ng mga magkakatabi't patung-patong na bahay sa Quirino Hill, Baguio City — isang lugar na bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR). Binabantayan ang nasabing rehiyon dahil sa pagsirit ng COVID-19 cases.
The STAR/Artemio Dumlao

MANILA, Philippines — Kasabay ng inaasahang "post-holiday surge" sa kaso ng coronavirus disease (COVID-19) matapos ang Kapaskuhan at Bagong Taon, naoobserbahan na ng Department of Health (DOH) ang pag-akyat sa mga kaso pathogen — pero sa labas ng National Capital Region.

"Actually dito po sa mga nakikita natin sa ngayon, outside of Metro Manila po talaga [dumarami]. Nakikita po natin medyo ang pagtaas ng kaso at atin pong binabantayan," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing, Huwebes.

"Makikita po natin sa region ng [Cordillera Administrative Region], sa Region II, sa Region V, sa Region VII, XI, XII and [Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao]."

Kahapon, nanguna ang Zamboanga City, Davao City, Kalinga at Benguet pagdating sa bagong COVID-19 cases. Tanging Quezon City lang ang Metro Manila area na kasama sa "top 5" na lugar pagdating sa daily new cases, at nasa bandang dulo pa ito.

Una nang sinabi ng DOH na inaasahang kalagitnaan ng Enero 2021 maitatala ang biglang pagsipa sa dami ng kaso lalo na't meron pang 14-day incubation period ang virus matapos ang mga salo-salo at pagtitipon.

"Makikita po natin dito sa mga lugar na ito, and one of our major assumptions would be ito pa rin po 'yung epekto ng ating holidays," sambit pa ni Vergeire.

"Kung matatandaan po ninyo, noong nag-holiday po tayo, nag-uwian po ang ating mga kababayan, maaari sa kanilang probi-probinsya. Nagkaroon din po siguro ng mga salo-salo ang celebration, and all of these things might have contributed to the increase in the number of cases in the other areas."

Sa kabila nito, maaaring hindi lang daw 'yan ang factor kung hindi pati na rin ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa mga lalawigan.

Umabot na sa 505,939 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling mga ulat nitong Miyerkules. Sa bilang na 'yan, 10,042 na ang patay.

Mas mahigpit na quarantine classifications?

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, nakasalalay pa rin naman daw sa "attack rate" at "critical care capacity" kung magpapatupad ng mas mahihigpit na lockdown patungkol sa mga pagtalon ng kaso.

"Ang nasa moderate [risk] na po ngayon ay ang CAR. Tapos ang Region XI po ay papalapit na rin sa moderate," ani Roque kanina.

"'Pag umabot po 'yan sa critical, that would be really a factor in escalating community qurantine classification in these two areas, pero hindi naman po national."

Sa kabila niyan, pinaplasta na ang pagkakaroon ng "new normal" sa ilang areas. Ito ang mga lugar na ikokonsiderang wala na sa ilalim ng community quarantine, pero kakailanganin pa rin naman daw sumunod sa safety protocols.

Hinihimay-himay pa naman daw kung anu-ano ang mga pahihintulutan at pagbabawalan sa mga nasabing lugar.

"Siyempre po, dahil may surge [ng cases], parang titignan pa rin natin kung may mga lugar na wala tayong mga active cass for an extended period of time," wika ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte. — James Relativo

vuukle comment

COMMUNITY QUARANTINE

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DAVAO REGION

DEPARTMENT OF HEALTH

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with