^

Bansa

2022 elections tuloy kahit may pandemya – Imee

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2022 elections tuloy kahit may pandemya � Imee
Ayon kay Sen. Imee Marcos, dapat na maghanap ng tama at kaukulang pandemic-related measures para matiyak na ligtas para sa mga botante at poll watchers ang eleksyon.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Siniguro ni Sen. Imee Marcos na tuloy pa rin ang national at local elections sa 2022 sa kabila ng pagpapaliban nito sa ibang mga bansa ng mga nakaraang taon dahil sa banta ng pandemya.

Ayon kay Marcos, dapat na maghanap ng tama at kaukulang pandemic-related measures para matiyak na ligtas para sa mga botante at poll watchers ang eleksyon.

Nitong January 19 lang, nakapagtala ang International Foundation for Election Systems ng 116 eleksyon na ipinagpali-ban sa 69 bansa at walong teritoryo dahil sa paglaganap ng Covid-19.

Ang Australia, Canada, Germany, Hong Kong SAR, at UK ang ilan sa mga bansang nagdesis­yong ipagpaliban ang lokal, municipal o legislative elections nitong nagdaang taon at iniskedyul nilang ituloy ngayong 2021.

Giit ni Marcos, dapat na magsikap ang Pilipinas na maging katulad ng South Korea na nagtagumpay noong Abril sa pagsasagawa ng ligtas na eleksyon kahit lumaki pa ang bilang ng kanilang mga botante.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with