^

Bansa

‘Bating Filipino’ bill aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang “Bating Filipino Act” na bagong paraan ng pagbati na dapat gawin ng mga Pinoy sa gitna ng COVID-19 pandemic sa halip na ang nakasanayan na mano po at handshake.

Sa botong 212 pabor, isa ang tumutol ay tuluyan ng nakapasa ang House Bill 8149 o Bating Filipino Para sa Kalusugan Act na iniakda ni 1st District Marikina City Rep. Bayani “BF” Fernando.

Layon nito na hindi magkahawahan sa COVID pero taglay pa rin ang respeto sa pagbati sa mga nakatatanda, pamilya, maging sa mga kaibigan at iba pang kapwa tao.

Sinabi ni Fernando na nakagawian na kasi ng mga Pilipino na gawin ang pagbati sa pamamagitan ng pakikipagkamay at pakikipag-beso o paghalik sa pisngi pero dahil sa pandemya ay kailangang iwasan ito.

Alinsunod sa HB 8149, ilalagay ang kanang kamay sa gitna ng dibdib sabay tutungo habang nakapikit o nakababa ang mga mata.

Hindi naman nakasaad sa panukala na papatawan ng parusa ang sinumang hindi susunod sa makabagong pamamaraan ng pagbati.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with