^

Bansa

13 close contacts ng UK variant patient, positibo sa COVID-19

Cristina Timbang, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na positibo rin sa COVID-19 ang nanay at kasintahan ng lalaking na-detect na may UK variant ng virus.

“Yung girlfriend initially tested negative, pero nung nag-reswab tayo she turned positive. And the mother nung na-swab, ang resulta positive,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa isang media forum.

Bukod sa nanay at girlfriend, walo sa 159 pasahero ng Emirates Flight EK 332 na sinakyan din ni “patient zero” ay nagpositibo sa COVID-19 sa inisyal na swab testing na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC) paglapag nila sa bansa noong Enero 7.

Nagpositibo rin ang dalawa pang pasahero ng Flight EK 332 na unang nagnegatibo sa inisyal na swab test at muling isinailalim sa test, at isang health care worker mula sa Quezon City na nakasalamuha ng pasyente.

Sa kabuuan, nasa 213 ang lahat ng naging close contacts ng index patient kabilang ang 159 kapwa pasahero ng eroplano, limang kasamahan sa bahay bukod sa nobya at 49 pang iba. Anim na lamang umano ang hindi pa mahanap ng mga contact tracers ngunit may mga ulat na natukoy na rin kahapon ang apat sa kanila.

Sa mga nagpositibo, hindi pa batid kung UK variant ng COVID-19 rin ang virus na taglay nila.

Pinadala na ang kanilang mga samples sa Philippine Genome Center (PGC) para masuri.

Nasa stable na kundisyon naman si “patient zero” at malapit na ring matapos ang kaniyang isolation period.

Samantala, anim sa naging close contact ng pas-yente ay natukoy na pawang taga-Cavite.

Dalawa rito ay taga-Rosario at General Trias City at nananatili na sa quarantine facilities sa Cavite.

Ginagalugad na rin ng mga awtoridad ang posibleng tirahan ng apat pa matapos umanong magbigay ng iba’t ibang address sa Cavite.

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with