^

Bansa

13 nakasama ng Pinoy na may 'new COVID-19 variant' positibo sa virus

James Relativo - Philstar.com
13 nakasama ng Pinoy na may 'new COVID-19 variant' positibo sa virus
Lumilipad sa himpapawid ang Emirates aircraft na ito, ika-6 ng Abril, 2020, mula Dubai International Airport matapos magsagawa ng mga COVID-19 stoppage
AFP / Karim Sahib

MANILA, Philippines (Updated 6:01 p.m.) — Sa patuloy na pag-aaral ng Department of Health (DOH) at Philippine Red Cross (PRC), binabantayan ngayon ng gobyerno ang marami sa mga nakasalamuha ng unang may United Kingdom variant ng coronavirus disease (COVID-19) matapos magpositibo sa virus ang lagpas sa 10 katao sa nakamamatay na sakit.

Ito ang ibinahagi ni Kagawaran ng Kalusugan sa mga reporters habang inoobserbahan ang 29-anyos na Pilipinong nakakuha ng mas nakahahawang variant matapos manggaling sa United Arab Emirates (UAE). 

"The Department of Health (DOH) today confirmed that eight (8) co-passengers aboard Emirates Dubai-Manila Flight EK332 tested positive for COVID-19 upon arrival here in the country. Moreover, the DOH confirmed that five (5) close contacts of the first confirmed UK variant case in the country also tested positive for the disease," paliwanag ng DOH, Miyerkules.

"All 8 co-passengers are in stable condition and will remain under strict monitoring while completing isolation and while waiting for results of re-swabbing."

Kasama sa mga nagpositibo ang girlfriend at nanay ng pasyente mula UAE ang nagpositibo sa COVID-19. Kasama rin sa limang close contacts na may COVID-19 ang isang pasahero at healthcare worker.

Ika-7 ng Enero nang dumating ng Pilipinas ang nasabing Pinoy kasama ang kanyang nobya galing UAE sakay ng Emirates Flight EK 332. Unang nakitaan ng B.1.1.7. SARS-CoV-2 ang 29-anyos na lalaki, na siyang "stable" ang kalagayan at naka-isolate.

Sa naturang flight, sinasabing 159 ang pasahero lahat-lahat. 156 sa kanila ang na-contact ng gobyerno, dahilan para anim na lang ang hindi pa maabot ng pamahalaan sa mga opisyal na datos. Gayunpaman, nakausap na raw ang dalawa pa ngayong umaga kung kaya't apat na lang ang wala pang contact sa DOH.

Aabot sa 213 ang naging close contact ng Filipino case ng UK COVID-19 variant.

"However, preliminary analysis showed that samples from all (eight) positive cases yielded a Cycle Threshold (CT) value greater than 30, which indicates low viral load and entails the need for re-swabbing to secure samples for sequencing," patuloy ng DOH.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinakailangang mas mababa sa 30 ang CT value ng isang tao para maging accurate ang mga testing na gagawin, lalo na't idadaan din sila sa sequencing.

Ang isa sa mga close contacts na nagpositibo sa COVID-19 tests ay sinasabing isang recovering COVID-19 patient, at na-diagnose noong sakit noon pang Disyembre.

Ang PGC ang nagsasagawa ng mga genome sequencing para malaman kung tinamaan ng UK variant ang mga pasyente. Sinasabi ng World Health Organization (WHO) na mas nakahahawa ng hanggang 70% ang UK variant.
Sa huling pagtataya ng DOH, umabot na sa 505,939 ang tinatamaan ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, 10,042 na ang patay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

DUBAI

NOVEL CORONAVIRUS

UNITED ARAB EMIRATES

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with