^

Bansa

148 million supply ng bakuna mapupurnada 'kung presyo ibubulgar agad,' ani Galvez

Philstar.com
148 million supply ng bakuna mapupurnada 'kung presyo ibubulgar agad,' ani Galvez
Nagtrabaho ang mga empleyadong ito sa production line ng CoronaVac, ang bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac Biotech, sa Butantan biomedical production center ng Sao Paulo, Brazil, ika-14 ng Enero, 2021
AFP/Nelson Almeida

MANILA, Philippines — Imbis na mapakinabangan, maaaaring mawala pa sa kamay ng Pilipinas ang milyun-milyong gamot panlaban sa coronavirus disease (COVID-19) kung hindi makasusunod ang gobyerno sa "confidentiality disclosure agreements" na nilagdaan na sa lahat ng vaccine vaccine makers.

'Yan ang ibinahagi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa gitna na rin ng pagmamatyag ng publiko sa gagastusing pondo ng pamahalaan para sa mga bakuna.

"Maaari pong mawala sa atin ang 148 million doses ng nine-negotiate po natin sa vaccine companies kapag lumabag po tayo sa ating kasunduan," wika ni Galvez sa media sa isang online briefing.

Nababahala ang marami patungkol sa nasabing isyu lalo na't paiba-iba ang pahayag ng iba't ibang government agencies dito. Ang Chinese vaccine kasi ng Sinovac, una nang lumabas na nasa P3,629.50 para sa dalawang doses o ikalawa sa pinakamahal sa lahat ng brands. Pero ayon sa Palasyo, hindi lalagpas ng P700 ang isang turok nito.

Bagama't may parinig sina presidential Roque sa presyo ng mga bakuna, ayaw pa nilang sabihin ang eksaktong babayaran para sa mga nasabi.

"[The government] will always try to negotiate for vaccines that are safe, effective and cost-efficient... Wala pong korapsyon," dagdag ni Galvez, na siya ring chief implementer ng Nastional Task Force Against COVID-19.

"Hindi po tayo papasok, ang pamahalaan, sa kahit anong negosasyon o pipirma sa isang kontrata kung tayo ay madedehado."

Ang 148 milyong doses, na kasalukuyang pinagkakasunduan sa mahigit pitong vaccine manufacturers, ay nakatakdang dumampi sa braso ng nasa 50 hanggang 70 milyong Pinoy bago matapos ang 2021.

Inaasahang magsisimula ang pagtuturok ng mga nasabing immunization program sa Pebrero. Ilan sa mga natiyak nang pagkukunan ng bakuna ang Sinovac, Pfizer, Novavax, Moderna, AstraZeneca, Johnson & Johnson at Gamaleya Institute.

Tanging ang Pfizer pa lamang ang may emergency use authorization (EUA) sa lahat ng vaccine makers sa ngayon, bagay na magbibigay pahintulot sa kanilang paggamit nito sa gitna ng pandemya kahit wala pang rehistro. Maliban sa American company, nagsumite na rin ng kanilang aplikasyon ang Sinovac sa Food and Drug Administration (FDA).

Sa kabila niyan, posible pa raw madagdagan ng tatlong kumpanya ang magsusumite ng kanilang kagustuhang magawaran ng EUA, ayon kay FDA director general Undersecretary Eric Domingo. Kasama riyan ang Moderna, Serum Institute of India at Bharat Technology.

Sa huling ulat ng DOH, umabot na sa 504,084 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 9,978. —  James Relativo

vuukle comment

CARLITO GALVEZ JR.

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with