^

Bansa

Local COVID-19 cases 496,646 na ngayong bagong kaso humigit sa 2,000

James Relativo - Philstar.com
Local COVID-19 cases 496,646 na ngayong bagong kaso humigit sa 2,000
Kita sa larawang ito ang ilang health workers at pasyente sa Mandaluyong City Medical Center, ika-1 ng Abril, 2020
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Sumipa patungong 496,646 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas ngayong Biyernes sa muling paglobo ng arawang cases sa 2,048.

Nasa 27,033 diyan ang "aktibong kaso" o yaong mga hindi pa rin gumagaling o namamatay sa nasabing sakit.

Nasa 137 naman ang bagong ulat na patay dahilan para umariba sa 9,876 ang total domestic deaths. Sa kabila niyan, higit na marami ang magaling na sa 459,737.

Lugar na may pinakamararaming fresh cases

  • Bulacan, 98 (modified general community quarantine)
  • Davao City, 89 (general community quarantine)
  • Pangasinan, 84 (MGCQ)
  • City of Manila, 80 (GCQ)
  • Leyte, 73 (MGCQ)

Anong bago ngayong araw? Ngayong linggo, tatlong beses nang nakapag-report ng higit 100 bagong namatay sa COVID-19 sa iisang araw — bagay na hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

  • January 12 (139 patay)
  • January 13 (146 patay)
  • January 15 (137 patay)

Ngayong araw lang din nang ilinaw ng DOH na hindi nila irerekomenda ang pagpapataw ng "total travel ban" sa lahat ng mga dayuhan at Pilipino sa labas ng Pilipinas kahit nakapasok na ang mas nakahahawang United Kingdom variant ng COVID-19. Aniya, binabalanse ngayon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang kalusugan at ekonomiyang nawasak ng pandemya.

Ito na rin ikalimang sunod na araw na hindi bumababa ang total "active cases" ng COVID-19 sa Pilipinas, dahilan para mas maraming pasyente ng nakamamatay na sakit ang patuloy na nakalagak sa mga ospital. 

Umaabot na sa 99.33 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, halos 2 milyon na ang binawian ng buhay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with