^

Bansa

2 drug case ni De Lima, pinababasura

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 drug case ni De Lima, pinababasura
Giit ni Senator Leila M. de Lima sa unang mosyon, hindi na umano kailangang magpatuloy ang kanyang mga abogado sa paghahain ng kanilang depensa dahil nananatiling espekulasyon lamang ang mga bintang ukol sa diumano’y transaksyon sa pagitan niya at ni Jose Adrian “Jad” Dera.
The STAR/Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Pinababasura ng kam­po ni opposition Senator Leila M. de Lima sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 205 ang dalawa sa tatlong kaso ng iligal na droga dahil bigo umano ang prosekusyon na makapagprisinta ng matibay na ebidensiya.

Nitong Enero 8 nang ihain ang ikalawang “Demurrer of Evidence”, isang araw matapos makapaghain ng katulad na mosyon sa isa pang kaso ng iligal na droga sa giit na bigo naman ang prosekusyon na magprisinta ng matibay na pruweba na nakipagsabwatan ang senadora sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Giit ni De Lima sa unang mosyon, hindi na umano kailangang magpatuloy ang kanyang mga abogado sa paghahain ng kanilang depensa dahil nananatiling espekulasyon lamang ang mga bintang ukol sa diumano’y transaksyon sa pagitan niya at ni Jose Adrian “Jad” Dera.

Sa ikalawang mosyon, hiniling din ang pagbasura sa Criminal Case No. 17-165 na inaakusahan ang senadora sa pagtanggap ng P5 milyon noong Nobyembre 24, 2012 at P5 milyon noong Disyembre 15, 2012 na galing umano sa tran­saksyon ng iligal na droga sa NBP para pondohan ang kaniyang pagtakbo sa pagka-Senador.

Kapwa-akusado niya ang dating bodyguard na si Ronnie Dayan.

Ayon sa kampo ni De Lima, mahigit 3 taon ang paglilitis ay wala pang naipakitang ebidensya ang prosekusyon na magdidiin sa senadora.

Binago ng prosekus­yon ang naunang sinampang kaso laban sa Senadora, mula sa “illegal drug trading” ay ginawa itong “conspiracy to trade illegal drugs” dahil sa kawalan ng anumang patunay sa droga na ibinenta diumano.

Tanging testigo aniya na nagsabing nagpadala ng pera sa kanya ay ang dati nitong kapwa akusado sa kaso na si Rafael Ragos, na siyang dating Officer-in-Charge ng Bureau of Corrections, ngunit bigo naman itong patunayang tumanggap nga ng pera si De Lima.

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with