^

Bansa

Swab test ‘di aalisin - Red Cross

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Swab test �di aalisin - Red Cross
Si Philippine Red Cross Chairman, Sen. Richard Gordon habang sumasalang sa COVID-19 saliva test kahapon.
Boy Santos

Kahit may saliva test

MANILA, Philippines — Kahit pa maaprubahan ang paggamit ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ay hindi pa rin aalisin ng Philippine Red Cross (PRC) ang swab test dahil ito ang itinuturing na gold standard sa COVID-19 testing.

Ito ang nilinaw ni Dr. Paulyn Rosell-Ubial, head ng Biomolecular Laboratories ng PRC, kaugnay ng isinasagawa nilang pilot testing ng COVID-19 saliva test.

Ayon kay Ubial, bagama’t ang saliva test ay katanggap-tanggap at ginagamit na sa maraming bansa, ay nananatili pa rin ang swab test na gold standard sa mga COVID tests kaya’t hindi nila ito maaaring tanggalin.

Mas malaki rin ang matitipid ng gobyerno at mga mamamayan kung saliva tests na ang gagamitin sa pagtukoy ng COVID-19 dahil may reagents na hindi na nila kailangang gamitin.

Mas madali rin lumabas ang resulta ng saliva test na aabutin lamang ng ilang oras, kumpara sa swab na inaabot ng ilang araw.

Sa ngayon aniya ay kabilang na rin sa pinag-uusapan kung makokober ba ng PhilHealth ang saliva test.

Kahapon sinimulan ng PRC ang pilot testing sa saliva test sa may 1,000 indibidwal.

Mismong si PRC Chairman at CEO, Sen. Richard Gordon ang naging guinea pig at unang sumalang sa saliva test, na tinatayang aabot lamang sa P2,000 ang halaga at maaaring mapababa pa.

vuukle comment

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with