Killer cop Nuezca sibak na sa serbisyo
MANILA, Philippines — Sibak na sa pagka-pulis si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, ang suspek sa pagpatay sa mag-inang Sonya, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25 noong Disyembre sa Paniqui, Tarlac.
Sinabi ni PNP chief Gen. Debold Sinas na ang dismissal ni Nuezca ay matapos aprubahan ang rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS) dahil sa grave misconduct na isang administratibong kaso.
Ayon kay Sinas, epektibo kahapon ang ‘dismissal order’ laban kay Nuezca.
Nag-ugat ang insidente nang sitahin ni Nuezca ang pagpapaputok ng “boga” ni Frank Anthony.
Nakuhanan ng video ang malapitang pagbaril ni Nuezca sa mag-ina at nag-viral sa social media.
Itinakda naman ang pagdinig sa kasong kriminal ni Nuezca sa February 4,2021.
Enero 7 nang maghain ng not guilty plea si Nuezca sa korte sa isinagawang arraignment.
- Latest