^

Bansa

14 DPWH district engineers sinibak

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sibak sa puwesto ang 14 district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kabilang sa mga naunang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na diumano’y sabit sa katiwalian.

“Yung mga binanggit ni Pangulong Duterte ay na-relieve na at tuloy tuloy ang imbestigasyon namin sa mga nagsa-submit ng reports. Mga labing-apat na,” sabi ni DPWH Secretary Mark Villar.

Binanggit din ni Villar na tuloy ang imbestigasyon ng DPWH Task Force Against Corruption.

Matatandaan na mismong si Duterte ang nagbunyag ng pangalan ng mga district engineers na nakikipagsabwatan umano sa mga mambabatas na humihingi ng kickbacks o porsiyento sa proyekto ng kanilang mga distrito.

“Magkakaroon din kami ng rigodon sa loob ng department at mara-ming magiging pagbabago,” ani Villar.

Humihingi rin ng tulong sa ibang ahensiya ng gobyerno ang DPWH para sa “case build up” o pagsasampa ng kaso laban sa mga sinasabing nasangkot sa katiwalian.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with