^

Bansa

Drug lords ilagay sa isla na puro bato – Sotto

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Drug lords ilagay sa isla na puro bato � Sotto
Suhestiyon ito ni Senate President Vicente Sotto III para umano sa mga nawawalan na ng pag-asa na mabuhay pa ang parusang kamatayan sa bansa kaya ito ang kanyang alternatibong naisip.
The STAR/Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Bilang alternatibo sa parusang kamatayan, iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na alisin sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at ibukod ang mga kriminal mula sa iba pang bilanggo.

Suhestiyon ito ni Sotto para umano sa mga nawawalan na ng pag-asa na mabuhay pa ang parusang kamatayan sa bansa kaya ito ang kanyang alternatibong naisip.

Mungkahi pa ng Senate president na bukod sa pag-aalis sa NBP ay dapat ihiwalay ng kulungan ang mga makukulit na kriminal kung saan walang cell site, walang kahit ano kundi susuplayan lang sila ng pagkain.

“Alisin sa Munti ang NBP… ilalagay mo Luzon, Visayas, Mindanao. Pag inilipat mo tapos regional mababawasan din sakit ng ulo ng jailguards. Kasi oras na ang convicted na binibisita ng pamilya, doon na nag-uumpisa magloko,” wika niya.

Kahit na wala uma­nong death penalty ay maaaring ilagay sa isang isla na puro bato at walang komunikasyon ang mga drug lords para maiwasan na makapag-operate pa rin ang mga sindikato ng droga at puro sitaw din ang kakainin nila.

Puna pa ni Sotto, ang ibang krimen ay maaa­ring bayaran sa kulungan maliban lamang sa mga high level drug trafficking dahil nakakapag-operate pa sila kaya dapat itong pigilan.

Ang pahayag ni Sotto ay kaugnay sa pagkwes­tyon sa pagpasa at pag-prioritize sa panukalang death penalty sa Senado na bagama’t priority nila ay mayroong mga teknikalidad na katulad ng ibang panukala ay naka-refer din sa Committee on Justice.

vuukle comment

NBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with